-- Advertisements --

Nilagdaan ng Department of Agriculture at Japan International Cooperation Agency ang ¥1.7 bilyon (P640 milyon) para magtayo ng modernong rice processing system sa Isabela.

Layunin ng proyekto na palakasin ang buffer-stocking ng National Food Authority sa lalawigan sa pamamagitan ng grain dryers, multi-stage rice mill, at grain silos.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makakatulong ito na bawasan ang postharvest losses, mapabuti ang milling recovery, at makapaghatid ng de-kalidad na bigas sa mamamayan.

Inaasahang makikinabang ang mahigit 5,000 magsasaka sa Cauayan City at kalapit na bayan sa pamamagitan ng mas malaking partisipasyon sa NFA procurement programs, at makakatulong ito sa pagpapanatili ng stable na presyo ng bigas.

Ayon sa DA, tinatarget ng proyekto ang matagal nang kahinaan sa rice supply chain, kung saan 16% ng produksyon ang nasasayang sa postharvest handling. (report by Bombo Jai)