-- Advertisements --

Ikinokonsidera ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagtanggal na ng ban sa pagbebenta ng isdang pampano at pink salmo sa mga palengke.

Sinabi ni Agriculture Deputy Spokesperson Rex Estoperez, na ang hakbang ay base na rin sa kahilingan ng mga mambabatas at mamimili.

Nakatakda rin sila ng makipagpulong sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para pag-aralan ang nasabing kautusan na nasa ilalim ng Administrative Order 195.

Nakasaad kasi sa nasabing Administrative Order na ang mga pampano at pink salmon ay maaari lamang ibenta sa mga institutional buyers kabilang ang mga hotels, restaurants at kumpanya gaya ng nasa canning at processing industries.

Magugunitang binigyan ng BFAR ang mga nagbebenta ng mga pampano at pink salmon na kanilang kukumpiskahin ang mga ito simula Disyembre 4.