-- Advertisements --
Hindi inaalis ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ang bansa ng nasa 22,000 metriko toneladang pula at puting sibuyas sakaling patuloy ang pagsipa ng presyo ng mga ito sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Deputy Spox Asec. Rex Estoperez na ang nasabing plano ay siyang naging resulta sa ginawang pagpupulong ng ahensiya sa mga stakeholders nitong araw ng Martes.
Ang nasabing halaga ay base na rin sa monthly consumption ng bansa kung saan sa nasabing hakbang ay para mapababa na ang presyo nito.
Tinitiginan din nila ang government to government contract sa importasyon para hindi makontrol ng mga pribadong trader ang suplay at presyo ng sibuyas.