-- Advertisements --
NATIVE SIBUYAS

Dumipensa ang Department of Agriculture sa desisyon nito na ipagpaliban ang pagpapatupad ng P150 suggested retail price (SRP) para sa pulang sibuyas at P140 para naman sa puting sibuyas

Palieanag ni DA Assistant Secretary and deputy spokesman Rex Estoperez nagkaroon ng internal agreement sa pagpapaliban ng implementasyon ng SRP ng mga sibuyas.

Maliban dito, premature aniya ang anunsiyo sa pagpapataw ng SRP dahil hindi pa naisyu ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang opisyal na memorandum order.

Kayat kinuwestyon ng DA official kung bakit lumabas ang naturang SRP at inanunsiyo nang wala pang lagda ng senior undersecretary ng DA.

Nais din aniya ng senior undersecretary ng DA na mapag-aralan pa ang cost structure para sa SRP dahil base sa komputasyon ang costof production ay nasa P28 lamang kada kilo, kapag kumikita aniya ang mga retailer ng P90, mayroongbkabuuang 121 percent profit o tubo.

Nakatakda sanang maging epektibo ang naturang SRP noong Lunes, Mayo 22 ng nakalipas na linggo kasunod ng naging kasunduan sa nangyaring konsultasyon ng DA sa iba’t ibang stakeholders noong Mayo 19 para matugunan ang mataas na retail price ng mga sibuyas na pumalo pa nga sa P200 kada kilo ilang buwan lamang matapos ang peak ng anihan.

Top