-- Advertisements --

Sisiyasating mabuti ng Department of Agriculture (DA) ang mga permits na ipinamimigay ng mga maliliit na magsasaka at mga cooperatiba sa mga rice traders at millers.

Sinabi ni DA Secretary William Dar, na kanilang ilalagay sa blacklist ang mga magsasaka o cooperatiba na mapatunayang ipinamimigay o ibinebenta ang mga sanitary at phytosanitary import clearances (SPSIC).

Pinag-aaralan na rin ng ahensiya ng pagkansela ng mga SPSIC na hindi nagagamit kung saan nasa 1,000 nito ang hindi nagamit noong 2019.

Tiniyak din ng kalihim na kaniyang pag-aaralan ang guidelines at kanila itong hihigpitan.