-- Advertisements --
VIGAN CITY – Haharap sa isang pulong kasama ang mga magsasaka at grupo ng sektor ng agrikultura ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para pagusapan ang long-term plans para sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo ni SINAG (Samahang Industriya ng Agrikultura) chairman Rosendo So, dahil hindi umano tiyak ng pamahalaan kung hanggang kailan mamamalagi sa evacuation centers ang mga apektadong residente.
Kung ang hanay nila So raw ang tatanungin, nais nilang magpaabot ng livelihood assistance sa affected farmers nang makabangon mula sa kalamidad.
Una ng nakipag-usap ang DA sa concerned agencies para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga nasalantang magsasaka.