NICOSIA – Niyanig ng 5.3-magnitude na lindol ang bansang Cyprus nitong Huwebes ng gabi, oras sa Pilipinas.
Batay sa artikulo ng international media na Reuters, naramdaman ang malakas na pagyanig sa kapitolyo ng bansa na Nicosia, dakong alas-2:27 ng hapon sa kanila.
Patuloy na binabantayan ng mga otoridad ang sitwasyon dahil wala naman agad naitalang damage.
Lumikas ang mga nakatira sa matataas na gusali, dahil sila raw ang nakaramdam ng malakas na lindol.
Ayon sa Reuters, maituturing na “earthquake-prone zone” ang bansang Cyprus, pero hindi raw karaniwan doon ang malalakas na pagyanig.
Huling nakaramdam ng malakas na lindol ang nasabing bansa noong 1996 kung saan umabot sa magnitude-6.3 ang pagyanig. Hindi naman daw labis ang naitalang pinsala noon.
Nitong Huwebes niyanig din ng magnitude-7.1 ang bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. (report from Reuters)