-- Advertisements --
Napiling maging isa sa mga Commissioner ng Commission on Elections si Nelson Java Celis.
Sa liham ni Executive Secretary Victor Rodriguez kay Comelec Chairman George Garcia, ipinaabot nito ang nomination letter na pirmado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pag-appoint kay Celis.
Sa nomination letter ng Pangulo, si Celis ang ipinalit kay Commissioner Aimee Torrefranca-Neri at may terminong hanggang February 2, 2029.
Si Celis ay kasalukuyang managing director ng cybersecurity consulting hub at kolumnista.