-- Advertisements --

Nakapagtala ang Anti-Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP-ACG) ng 42.9% na pagbaba sa cybercrime sa bansa matapos ipatupad ang SIM registration act.

Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Sidney Hernia, naitala ang pagbaba sa mga kaso ng cybercrime simula noong Agosto 2023 o ilang araw matapos ipatupad ang malawakang deactivation ng hindi rehistradong SIM cards.

Base sa datos ng ACG, nasa 6,385 cases ang naitala noong August hanggang December 2023 kumpara sa kabuuang 14,893 cases mula January hanggang July ng nakalipas na taon.

Una ng ipinatupad ang mandatoryong SIM registration sa bansa noong nakalipas na taon dahil sa tumataas na bilang ng nabibiktima ng scams at ibang pang cellphone at online criminal activities kung saan bigong maresolba ang mga iligal na aktibidad dahil sa hirap na ma-trace ang mga nagmamay-ari ng mga numerong ginagamit sa cybercrime related acivities.