-- Advertisements --

Bumaba ng 57 percent ang nagaganap na cybercrime sa bansa.

Ayon sa Anti-Cybercrime Group (ACG) of the Philippine National Police (PNP) na mula Agosto hanggang Disyembre 2023 ay mayroong 6,385 na mga cybercrimes ang naitala na mas mababa ito kumpara noong Enero hanggang Hulyo 2023 mayroong 14,893.

Isa sa mga nakikita nilang dahilan dito ay ang pagpapatupad ng SIM Registration Act.

Karamihan sa mga cybercrimes na naitala ay mga pinaghalong online scams.

Sinabi pa ni ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia na ang deactivation process ng mga unregistered SIM Cards ang isa sa nakatulong sa pagbaba ng mga cybercrimes.