Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group ang positibong pagbaba sa 27.4% ng mga naiiulat na kaso ng Cybercrime sa bansa noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon kung ikukumpara noong 2023
Ayon sa Anti-Cybercrime Group ng PNP nakapagtala ito ng 789 na kaso ng cybercrime noong 2022 habang umaakyat ang bilang na ito noong 2023.
Nito namang Enero ngayong taon, nakapagtala ang grupo ng 1,458 na kaso na nagmarka sa 24.72% na pagbaba kumpara sa numero noong 2023.
Paliwanag ng Anti-Cybercrime Group, ito ay resulta ng nagpapatuloy na paglaban nito sa mga cyber threats at patuloy na pagpapatupad ng cybercrime preventive measures.
Sinabi pa ng ACG na ang hakbang na ito ay kinabibilangan ng “matibay na pakikipagtulungan at collaboration sa publiko at mga pribadong stakeholders.
Kasama rin dito ang pagbabahagi ng ACG ng cyber tips online, pakikisali sa mga panayam sa media, pagho-host ng mga informative broadcast, pamamahagi ng mga materyal na pang-edukasyon, at pagsasagawa ng mga lecture at seminar.
Sinabi ng ACG na ang mga hakbang na ito ay “malaking tulong sa pangkalahatang pagbawas sa mga insidente ng cybercrime.”
Ayon kay ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia , ang mga pagsisikap na ito ay patunay lamang nang pangako ng PNP ACG na ihanda ang mga indibidwal at organisasyon ng kinakailangang kaalaman at kasanayan upang pangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga umuusbong na banta.
Hinimok ni Hernia ang publiko na mag-ulat ng mga kaso ng cybercrime o magsampa ng mga reklamo laban sa mga gumagawa ng mga krimeng ito.