Sisikapin umano ng Bureau of Customs (BOC) na higpitan ang inspeksyon sa dokumento ng mga papasok na bagong stock ng imported rice, sa gitna ng utos ni Pangulong Duterte na suspensyon nito sa harvest season ng local farmers.
Sa isang panayam sinabi ni Finance Asec. Tony Lambino, kritikal ang papel ng import documents dahil ito ang magdidikta para tuluyang makapasok ang mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa.
Aminado ang opisyal na naka-depende sa naturang dokumento kung ide-deklarang smuggled ang imported rice.
Kailangan daw kasi matukoy na issued ang import domucents bago pa ibaba ng presidente ang kautusan.
Mahaharap naman umano sa kaukulang parusa kapag napatunayang na kulang-kulang ang dokumentong ipinasa ng importers para makapasok ang kanilang produkto sa bansa.