Lalo pang tumindi ang word-war sa pagitan nina dating PDP-Laban vice chairman Energy Secretary Alfonso Cusi at Senator Manny Pacquiao.
Sa isang panayam, hinamon ni Cusi si Pacquiao na patunayan ang mga alegasyon nito na mayroong korapsyon sa maraming ahensya ng pamahalaan.
Kung hindi aniya ito kayang gawin ni Pacquiao, sinabi ni Cusi na marapat na tumahimik na lamang ang senador.
Pinuna rin ng kalihim ang pag-alis ni Pacquiao matapos na magpalutang hinggil sa korapsyon sa pamahalaan.
Sa ngayon, nasa America si Pacquiao para maghanda sa kanyang laban sa boxing sa darating na Agosto.
Kamakailan lang, sinabi ng tinaguriang “fighting senator” na nawawala ang P10.4 billion na bahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development.
Mayroon din aniyang iregularidad sa Department of Energy at iba pang line departments ng pamahalaan.