-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Golden State Warriors superstar Stephen Curry dahil sa injury sa kaniyang balikat.

Ayon sa koponan na patuloy itong nagpapagaling at agad na babalik sa paglalaro kapag tuluyan ng gumaling.

Natamo ng 34-anyos na si Curry ang kaniyang left shoulder injury noong Disyembre 14 ng talunin sila ng Indiana Pacers.

Mula pa noon ay hindi na nakadalo sa apat na laro si Curry.

Ang two-time MVP at four-time NBA champion ay mayroong average na 24.5 points, 6.5 assists at 4.7 rebounds.