Photo courtesy of NBA

Hinablot ng Golden State Warriors ang solong pamumuno sa Western Conference matapos magwagi kontra Memphis Grizzles, 118-103.

Nagsanib-puwersa sina Stephen Curry at Kevin Durant na kapwa pumoste ng 28 points para sa Warriors.

Mayroon ding 10 rebounds si Curry, at si big man DeMarcus Cousins na nagdagdag ng 16 markers at siyam na rebounds upang mabasag ng Warriors ang pagkakatabla sa Denver sa tuktok ng West.

Hindi naman nagbunga ang 27 points at 13 rebounds ni Jonas Valanciunas para sa Memphis.

Umiskor ng pitong magkakasunod na puntos si Durant sa 9-0 harurot upang itala ng Golden State ang 100-92 abante sa kalagitnaan ng fourth quarter.