-- Advertisements --
Mahigpit pa ring ipapatupad ang curfew sa Metro Manila kahit na ito ay nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Agosto 21-31.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, na hindi pa rin magbabago ang ipinatupad na curfew mula 8 p.m. hanggang 4 a.m.
Papayagin na rin ang pagsasagawa ng mga outdoor exercises pero dapat mula 6 a.m hanggang 9 a.m.
Magugunitang pinagbawal ang pagsasagawa ng outdoor exercise ng unang ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang NCR noong Agosto 6-20.