Sa loob ng dalawang taon, nakatakdang buksan muli sa publiko ang Cultural Center of the Philippines .
Nagpapatuloy pa rin kasi ang rehabilitasyon ng naturang iconic building na dinisenyo ng National Artist na si Leandro Locsin.
CCP President Ad Interim Michelle Nikki Junia, sa ngayon ay aabot na sa 30% ang natatapos na bahagi ng naturang building.
Aniya, ganap itong matatapos pagsapit ng taong 2025 at bubuksan ito sa publiko pagsapit ng 2026.
Kasama sa ginagawang rehabilitation ay structural retrofitting kabilang na ang mechanical, electrical, plumbing/sanitary, at fire protection works.
Paliwanag pa ng mga kinauukulan na ang rehabilitasyon ay sumusunod sa itinakdang iskedyul.
Tinututukan rin nito ang mechanical retrofitting, fire protection, electrical, at sanitary aspects.