-- Advertisements --

Pinuri ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Atin Ito Coalition matapos matagumpay na marating ang Pag-asa Island at maitaas at mailagay ang watawat ng Pilipinas sa Sandy Cay sa West Philippine Sea nitong weekend.

Ayon kay AFP spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, patunay ito ng matatag na diwa ng mga Pilipino at malinaw na paggigiit ng sovereign rights ng bansa.

Sinabi rin ng AFP na ang mapayapang presensya ng grupo sa WPS ay nagpapalakas sa tinig ng mga mangingisda at komunidad na umaasa sa lugar bilang kabuhayan.

Nanindigan ang AFP sa suporta nito sa mapayapa at rules-based na mga hakbang na umaayon sa 2016 Arbitral Award.

Ang ikaapat na Atin Ito mission ay gumagamit ng M/V Felix Oca at maghahatid ng pagkain, fuel, medical outreach, at community concert hanggang bukas, Mayo 5.