-- Advertisements --

Ibinunyag ni Civil Service Commission Commissioner Aileen Lizada na ipinag-utos ni CSC Chairman Alicia dela Rosa-Bala na huwag makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Ginawa ito ni Lizada sa pagpapatuloy ng joint hearing ng House committees on public accounts at good government and public accountability hinggil sa mga anomaliya sa state health insurer.

Ayon kay Lizada, sinabihan sila ng kanilang chairman na huwag magbigay ng impormasyon na may kaugnayan sa pending cases ng mga opisyal ng PhilHealth sa CSC.

Sinabi ni Lizada na sa kanilang virtual meeting ay iginiit ni Bala na hindi dapat isapubliko ang mga impormasyon na may kaugnayan sa issue sa PhilHealth.

Recorded aniya ito pero hindi nakadetalye sa minutes of the meeting ang patungkol sa naging direktiba ni Bala.

Pero ayon kay CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo walang katotohanan ang sinasabi ni Lizada.

Ang sinabi lamang aniya ng kanilang chairman ay huwag prematurely isapubliko ang mga impormasyon pero gawing available naman ito sa mga opisyal na nagsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth.

Nabatid mula kay Lizada na sa kasalukuyan, 19 ang pending at existing cases sa CSC aban sa mga regional vice president ng PhilHealth.

Karamihan aniya sa mga ito ay administrative cases at grave misconduct, na maaring humantong sa dismissal ng mga opisyal na nahaharap sa mga kasong ito.