-- Advertisements --

KINILALA ng Civil Service Commission (CSC) ang mga katuwang na ahensya nito na tumulong na matiyak ang tagumpay ng ika-123 Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) sa ginanap na Appreciation Program for PCSA Key Partners na ginawa sa CSC Resource Center na matatagpuan sa Quezon City noong Nobyembre 15, 2023.

Nagpasalamat si CSC Chairperson Karlo Nograles kung saan binanggit nito na ang nasabing programa ay nagsisilbing isang lugar upang pahalagahan ang pakikipagtulungan at pagtutulungan na binuo tungo sa iisang layunin.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lourdes A. Lizada na ang aktibong partisipasyon ng mga ahensya ay hindi lamang nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang dinamikong serbisyo sibil, kundi naghahandog din ng kawanggawa tulad ng pagbibigay ng dugo o bloodletting project, pagsasagawa ng tulong medikal sa mga komunidad, at paglikom ng pondo para sa ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing lingkod-bayan sa ilalim ng Pamanang Lingkod Bayani Program ng CSC.

Kabilang sa mga partner agencies na kinilala ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Internal Revenue, Government Service Insurance System, Philippine Information Agency, Insurance Commission, Philippine Blood Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Jose B. Lingad Memorial General Hospital, Department of Health, Philippine Dental Association, Baguio City Health Services Office, at ang National Commission for Culture and the Arts.

Ang isang buwang selebrasyon ng PCSA ay nakipag-ugnayan sa 1.9 milyong mga lingkod-bayan sa buong bansa para lumahok sa mga sumusunod na aktibidad gaya ng Online Zumba and Film Showing; Virtual Launch at Press Briefing ng PCSA; Government Online Career Fair at iba pa.