-- Advertisements --

Kinalampag ng beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang Kongreso para sa pag-apruba ng aniya’y “crucial reforms” para mas dumami ang Foreign Direct Investments sa bansa.

Kumbensido si Salceda na mas marami pang mga investors ang mahihikayat na magpasok ng investments sa Pilipinas kapag naisabatas na ang mga panukalang mag-aamiyenda sa Public Service Act, Retail Trade Liberization Act, at Foreign Investments Act, pati na rin ang Ease of Paying Taxes Act.

Hindi naman aniya mahihikayat ang mga banyaga na magpasok ng investment sa Pilipinas kung sarado ang pintuan ng bansa para rito, at kung hindi secure ang kanilang investment.


Nasolusyunan na aniya ang ilang factors nang pag-aalangan ng mga investors sa pamamagitan nang pagsasabatas ng CREATE Law subalit mayroon pang ilang constraints na dapat tugunan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga liberalization bills.

Sa kanyang tantya, ang “hurdle rate” o profit margines na kailangan ng isang investor bago pumasok sa Pilipinas ay 3.43 percent.

Kaya naman dapat mas malaki dapat ang “upside” na mayroon ang Pilipinas, na magiging posible lamang kapag magawang simple ang tax system.