Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Saudi Arabia Crown Prince Mohammed Bin Salman bago matapso ang taon ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay bahagi ng kanilang pagbisita sa limang mga bansa sa Asya kabilang dito ang Thailand, Malaysia, Brunei at Pakistan.
Ibinunyag din ito sa pakikipagpulong ni Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan Al Saud kay Pangulong Bongbong Marcos at DFA Secretary Enrique Manalo.
Bagamat ayon kay DFA Assistant Secretary for Office of Middle East and African Affairs Alfonso Ver na hindi pa naisasapinal sa ngayon ang plano para sa aktibidad ng pagbisita ng Crown Prince sa bansa.
Sa kabila nito, inaayos na ng DFA ang ilan sa kanilang ilalatag gaya ng taxation at investment promotion.
Ayon kay Ver, na malaki ang kakailanganing preparasyon gaya ng logistics at mga requirements para sa pagbisita ng Crown Prince ng Saudi.
Ilan sa tatalakayin ay kooperasyon sa renewable energy, digital infrastructure at agriculture na nauna ng nagpahayag ng interest ang Pangulong Marcos.