NAGA CITY – Patay ang isang criminology student matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang trailer truck na nakaparada sa access road ng Sabang, Mabolo Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ryan Ray Margallo Avila, residente ng Pamukid San Fernando sa naturang probinsiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Maenalyn, residente ng nasabing lugar sinabi nitong pasado alas 4:00 ng umaga ng biglang may narinig silang malakas na tunog.

Ayon pa sa kanya, hindi pa umano napansin ng kanyang asawa ang katawan ng biktima dahil pumamilalim umano ito sa truck.

Sa paglalarawan ni Maenalyn sa pangyayari, napag-alaman na ulo at mukha ang tama ng biktima na nagresulta sa agad nitong pagkamatay.