ROXAS CITY – Tiklo ang isang criminology graduate sa ikinasang drug buybust operation ng mga kasapi ng Station Drug Enforcement Units ng Dumarao at Dumalag PNP at Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz Police Provincial Office sa Barangay Janguslob, Dumarao, Capiz.

Kinilala ang naaresto na si Kathlene Dalisay, 26 anyos at residente ng Barangay Poblacion Ilawod ng naturang bayan.

Ayon kay Police Captain Larnel Frial, hepe ng Dumarao PNP, halos dalawang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang naturang suspek bago ikinasa ang kanilang operasyon.

Aniya kabilang ang suspek sa Directorate for Intelligence (DI) list ng pulisya.

Narekober sa suspek ang 10 sachets ng shabu na may market value na umaabot sa P5,000, P1,000 na buybust money, cellphone, wallet at P100 na cash.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nakaaresto ang suspek sa Dumarao PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.