-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakaranas ngayon ang crematorium ng lungsod ng “overwhelmed” o napuno na dahil sa dami umano ng mga bangkay na namatay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, naka-fully book na ang crematorium, kasabay ng surge sa mga nahawa ng virus.

Nabatid na karamihan sa mga namatay sa covid sa siyudad ay critical cases at hindi mga bakunado.

Kung maalala, naghanda na ngayon ang lokal na pamahalaan ng Mass grave sa Tagakpan cemetery nitong lungsod kung sakaling hindi na kaya pa na ma-accommodate sa crematorium ang labi ng mga namatay sa virus.

Una ng nanawagan ang alkalde sa publiko na magpabakuna at hindi pumili ng brand ngunit dahil sa mababang preference ng Sinovac at Sinopharm sa lungsod, ipinatigil muna ang pagbili at delivery ng mga Chinese made vaccines bagkus ay Pfizer at iba pang western brand ng mga bakuna na lamang ang ibigay sa lungsod dahil mas marami umano ang magpapabakuna sa nasabing mga brand.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Davao ng 73 namatay sa covid at sa nasabing bilang 64 nito ang unvaccinated habang siyam naman ang bakunado na.