-- Advertisements --

Hindi lumusot sa mga senador ang balak na hatiin sa dalawang panukala ang corporate income tax reform bill makaraang karamihan sa mga mambabatas ang bumoto na panatilihin itong intact.

Sa plenary session ng Senado kahapon para amyendahan ang Senate Bill No. 1357 o proposed Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE), napagkasunduan ng mataas na kapulungan na huwag hatiin sa dalawang panukala ang corporate income tax rate at rationalization of fiscal incentives.

Sampung senador ang bumoto na panatilihing intect ang naturang panukala habang apat naman ang nagsabing dapat itong hatiin. Ito ay sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Richard Gordon, Francis Pangilinan at Imee Marcos.

Layunin ng CREATE bill na bawasan ng 25% ang corporate income tax na kasalukuyang nasa 30%. Kada taon naman ay bababa ito ng 1 percent simula 2023 hanggang 2027 at umabot na lamang ito ng 20%.

Nasa ilalim din ng nasabing panukala ang pag-rationalize ng fiscal incentives.

Subalit ilang senador na ang umalma rito. Anila posibleng panghinaan ng loob ang mga investors na mag-invest sa Pilipinas sa kabila ng COVID-19 pandemic.