-- Advertisements --
Matagumpay na napanatili ni Terence Crawford ang kaniyang unbeaten record nang talunin si Errol Spence Jr. sa kanilang sagupaan sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo.
Nabatid na itinigil ng referee ang bakbakan ng dalawa sa 9th round ng laban.
Dahil dito, may malinis na record si Crawford na 40-0.
Habang 28-1 naman ang win loss record ni Spence.
Una rito, kapwa pasok sa weight limit ang dalawa sa pagtimbang kahapon para sa title unification fight.
Maliban sa pagiging undisputed champion, itinaya rin sa laban ang IBF, WBA at WBC welterweight belt ni Spence habang ang WBO belt naman ay mula kay Crawford.