-- Advertisements --
cropped CAMP CRAME PNP POLICEMENT FLAG DAY 3

Ipinag-utos ngayon ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang mas mahigpit na crackdown sa mga ilegal na paggamit at pagbebenta ng mga police uniform sa bansa.

Kasunod ito ng ilang reports na natanggap ng pulisya na nakasuot ng pixelized uniform ng Philippine National Police ang mga suspek sa pananambang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa nitong mga kasamahan.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, agad na inatasan ni PNP chief Azurin ang lahat ng mga regional director sa bansa at gayundin ang buong hanay ng kapulisan na paigtingin pa ang kampanya nito pagdating sa paggamit ng mga uniporme.

Nagkaroon din aniya ng direktiba ang hepe ng Pambansang Pulisya sa mga nagtitinda ng mga uniporme ng pulis na dapat ay hingaw nito ng kaukulang identification card ang kanilang mga customer upang malaman kung lehitimong mga pulis ba talaga ang mga ito.

Bukod dito ay inatasan na rin ni Azurin ang Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police na tugisin ang mga nago-online selling ng police uniforms online dahil mahigpit aniyang ipinagbabawal sa ating batas ang paggamit ng uniporme ng pulis ng isang sibilyan.