Ipinag-utos ngayon ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin sa Highway Patrol Group (HPG) na paigtingin ang kanilang crackdown sa mga hindi rehistradong mga sasakyan.
Kabilang na rito ang mga walang plate numbers maging ang mga sasakyang mayroon lamang improvised plates.
Ang direktiba ni Azurin ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa kriminalidad at ang kanilang programa laban sa mga traffic violations.
Kasunod na rin iton ng mga lumabas na report ng kidnapping incidents na sinasabing kinasasangkutan ng puting van.
Ipinunto pa ng PNP chief na ang kanilang kampanya ay epektibo rin para ma-clampdown ang pagnanakaw ng mga sasakyan sa pamamagitan ng Land Transportation Office (LTO).
Kasabay nito, nanawagan si Azurin sa publiko na agad i-report sa PNP kapag mayroon silang naobserbahang mga ganitong uri ng pangyayari para agad maimbestigahan.
Una rito, pinasinungalingan ng PNP ang mga hindi kumpirmadong report na mayroong serial killer o criminal group na nakasakay sa puting van silang sangkot sa mga pagdukot at pagpatay sa bansa.