Itinuturing ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año na isang malaking criminal syndicate CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front).

Ito ang sagot ng heneral sa naging pahayag ng communist leader na si Jose Maria Sison na ang kanilang kilusan ang tumatayong revolutionary government ng bansa habang ang pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay reactionary government.

Giit ni Año na iisa lang ang lehitimong gobyerno sa Pilipinas na may mandato ng sambayanan at ito ay ang Duterte administration at hindi ang grupo ni Sison.

Nagpapanggap nalang aniya bilang mga komunista ang grupo ni Sison para kunyari’y may idolihiyang ipinaglalaban pero sa totoo ay naging isang mafia-style organization nalang ang CPP-NPA-NDF na ang pangunahing layunin Ay kumita ng pera.

Una nang ibinunyag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na P1.2 bilyon ang kinokolektang extortion money ng mga komunista sa Eastern Mindanao pa lamang kada taon.

Sinabi naman ni Ano na ang malaking bahagi ng kokeksyong ito ay pinaghahatian ng mga lider ng komunista Tulad ni Sison habang barya-barya nalang napupunta sa mga miyembro.

Giit ni chief of staff, hindi sinsero ang mga komunista sa pakikipag-usap sa pamahalaan dahil gusto nilang magtuloy-tuloy pa rin ang kanilang paghahanap-buhay sa pamamagitan ng pangingikil sa mga negosyante.