-- Advertisements --

Hinimok ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na bilang isa aniya siyang abogado ay marapat lamang na harapin na niya ang kaniyang mga kaso at bumalik na ng Pilipinas.

Ani Torre, hindi na to ang mga kaso na maaaring dalhin pa sa mga kalsada para magsagawa ng mga pagtitipon o rally at dapat na aniya niyang i-submit ang kaniyang sarili sa korte at tsaka na lamang magbigay ng mga argumento tungkol sa kaniyang kaso.

Palagay din ni Torre, mas mainam kun isusurrender na lamang ni Roque ang kaniyang sarili pati na rin ang 49 na iba pa na sangkot sa kasong ito na may kaugnayan sa paglaganap ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Samantala, ayon pa sa bagong lider ng PNP, isa lamang ang pakikipagugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa mga mekanismo na maaari nilang magamit para sa maaaring repatriation ni Roque pabalik ng bansa.

Ito din ay isang whole government approach kung saan binigyang diin ng hepe ang ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pagkakansela ng pasaporte ni Roque at ng iba pang mga akusado upang hindi sila malayang makapaglibot sa labas ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay 2 na mula sa 51 na mga akusado ang nahuli at nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detectio Group habang 49 na iba pa ang mga pinaghahanap na sangkot sa iligal na operasyon ng Lucky South 99 at siyang nahaharap sa mga kaso kung saan ilan dito kasama na si Roque ay may mga kasong kinakaharap na qualified human trafficking na hindi bailable sa ilalim ng batas ng Pilipinas.