Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na inaasahan na ang pagkakaaresto sa mga nalalabing indibidwal na siyang nasa likod ng pagkidnap at pagpatay sa filipino-chinese businessman na si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo.
Sa isang pahayag, tinawag ni Marbil na case solved at justice is served ang kaso ni Que matapos na maisapubliko na ang tatlong suspek sa insidente.
Aniya, nakikita ngayon ng PNP na ang nga personalidad ay hindi lamang isang simpleng kidnap for ransom syndicate at pawang mga nagsasagawa ng mga contract-based na mga operasyon kung saan target nito ang mga indibidwal na may mga hindi pa bayad na utang at iba pang mga uri ng internal conflicts.
Samantala, dagdag pa ni Marbil, anim na mga malalaking kaso na ng kidnapping ang naresolba na kung saan pakay na lamang nila ay mahanap ang nga financers sa likod ng mga opersasyon na ito.
Tiniyak naman ni Marbil sa publiko na nananatiling pursigido ang kanilang hanay para sa kanilang mission na mahuli na ang pinakamastermind sa mga naturang pagpatay.
Malinaw din aniya ang kanilang mensahe na ipapatupad nila kung ano ang nakasaad sa batas at titiyaking mapapanagot ang mga may sala.