CAGAYAN DE ORO CITY – Napahina pa umano ng Sandatahan Lakas ng Pilipinas ang natitira na armadong mga kasapi ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) na patuloy naghahasik ng armadong pakikibaka laban sa buong hanay ng pamahalaan.
Ito ay matapos isinasalaysay ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala sa Bombo Radyo na mula sa 11 na ‘weakened guerilla front’s ng CPP-NPA ay bumaba pa sa siyam na lang sa mga kanayunan.
Binanggit ni Dema-ala na ang tuloy-tuloy na whole of the nation approach ng gobyerno ang mayroong malaking ambag kung bakit dagdag na dalawa pa ang nabuwag ng government forces sa loob ng taong ito.
Bagamat hindi pa nagbigay ng partikular ng guerilla fronts na umano’y bumagsak subalit tiniyak ng Philippine Army na maglalabas sila nito kapag may pahintulot na mula sa higher headquarters.
Una nang tinukoy ni Dema-ala sa mga nagdaang panayam ng Bombo Radyo na nasa 3rd Infantry Batallion,Philippine Army ng Visayas at 4th ID ‘Diamond Troopers’ ng Caraga region makikita ang nabanggit na puwersa ng komunistang grupo.
Magugunitang nasiyahan ang liderato ng Armed Forces of the Philippines sa una nang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mananatili ang kautusan ni former President Rodrigo Duterte na executive order no.70 o ang pagkabuo ng NTF-ELCAC dahil litaw-litaw umano ang positibong mga resulta laban sa CPP-NPA.