-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinuri ni Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against COVID-19 (Coronavirus Disease 2019), ang mga local chief executives sa Western Visayas.

Ito’y dahil sa umano’y mababang bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Galvez, sinabi nito na maganda ang ginagawang COVID-19 response ng mga alkalde ng rehiyon.

Kahit na patuloy aniya ang pagtaas nga COVID-19 cases, mababa naman ang casualties sa Western Visayas na nasa 17 indibidwal lamang.

Ani Galvez, kung ihahambing ang sitwasyon ng Western Visayas sa ibang mga rehiyon, mas maganda ang sitwasyon ng Rehiyon 6 dahil sa pagsisikap at disiplina ng mga mamamayan.