ILOILO CITY – Nagpapapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng isang lalaki na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) sa Ingore, La Paz, Iloilo City.

Ito ay si WV #227, 40-anyos na residente ng Mansaya, Lapuz, Iloilo City ngunit may tinitirhang kubo sa Ingore, La Paz, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Punong Barangay Jonathan Jalandoni, sinabi nito na dayo lamang sa kanilang barangay si WV #227, ngunit madalas itong pumupunta sa kanilang barangay kung saan naglaro pa ito ng basketball, nakipag-inuman at nagpa- manicure pa.

Ayon kay Jalandoni, base sa kanilang monitoring, tinatayang 40 katao ang naka-close contact ni WV #227 na sa ngayon ay sumasailalim na sa facility quarantine.

Kaagad naman isinailalim sa disinfection ng Iloilo City Health Office ang nasabing barangay.