CENTRAL MINDANAO-Umaabot na 49.01 porsyento ng target eligible population sa probinsya ng Cotabato ang fully vaccinated laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang porsyento na katumbas ng 232,413 ay base sa datos ng Integrated Provincial Health Office nitong Nobyembre 15.
Mula sa nasabing bilang, pinakamarami ang mula sa priority group A3 na may 85,622. Ito ay sinundan ng A4 na may 56,159; A2 na may 45,777; A1 na may 29,395; A5 na may 13,917, at Rest of the Adult Population o ROAP na may 1,543.
Samantala, upang mapabilis ang pagkamit ng herd immunity, muling nanawagan ang Provincial Government sa mamamayan na magpabakuna.
Sa ngayon, isa mga tinututukan ay ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. Kaugnay nito, hinihikayat ng mga LGUs ang mga magulang na makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Health Center upang mabakunahan ang kanilang mga anak.
Upang mapawi naman ang pangamba ng mamamayan, siniguro ng LGU-Cotabato na ligtas at epektibo ang mga bakunang ginagamit laban sa COVID-19.