-- Advertisements --

Hindi lamang ang Pilipinas ang nagkukumahog para muling mabuhay ang turismo sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Katunayan ay kanya-kanyang gimik ang mga sosyal na beach at hotel, gayundin ang flights and accommodation, at simpleng mga pook pasyalan sa iba’t ibang bansa kasabay ng unti-unting pagbubukas ng mga ito sa mga turista.

Nauna nang nanlibre ng 1,000 flights patungong Las Vegas ang casino owner na si Derek Stevens para makabangon kahit ang kanilang domestic tourism muna sa buong Estados Unidos.

Sa southeast Mexico, mayroong dalawang free nights of accommodation sa mga magtsi-check in at mayroon pang refund fare sa magiging companion nito sa susunod na pagbisita.

Mexico

“Buy 1 Get 1 Free” naman ang promotion sa mga pool villas ng isang private island sa Thailand upang makahikayat ng mga turista.

Sa Balkan nation na Bulgaria, libre na muna ang rental ng mga cottage sa kanilang sikat na mga resort.

Habang sa Switzerland, may freebies at hanggang sa 65% discounts ang ibinibigay sa mga city tour at hotel package.

Nakikipagsabayan din ang Uzbekistan kung saan may alok na $3,000 compensation para sa mga turista sakaling tamaan ng deadly virus habang nasa kanilang bakasyon.

Pangako naman ng Mediterranean island na Cyprus na “sagot” na nila ang accomodation, pagkain, at pagpapagamot para sa mga dadapuan ng Coronavirus Disease.

“In the short term, discounted flights and accommodation are likely to be common as travel providers restart their cash flow by stimulating demand,” ani Joanna Lord na siyang Chief Marketing Officer sa travel search engine na Skyscanner.

Gayunman, sa survery ng International Air Transport Association, 45% lamang ng mga naging respondents ang naghayag na interesado nang magbakasyon sa iba’t ibang bansa. (CNN)