Aabot na ng isang milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Africa dahilan para hikayatin ng World Health Organization (WHO) ang iba’t ibang bansa na pagbutihin pa ang ginagawang hakbang upang labanan ang outbreak.
Tinataya ng African Union na nasa 992,000 na ang kaso ng deadly virus sa naturang kontinente. 520, 000 cases naman ang naitala sa South Africa, sinundan ng Egypt at Nigeria na may 44,000.
Ayon sa WHO, nakarating na sa South Africa ang unang grupo ng surge team na binubuo ng 40 public health experts upang tumulong sa coronavirus response ng nasabing bansa.
“Lack of testing is leading to some under-reporting of COVID-19 cases,” saad ni WHO Regional Director for Africa Matshidiso Moeti.
Nagbabala rin ito na mananatili ang virus sa loob ng mahabang panahon makaraang luwagan ang mga umiiral na lockdown measures ng iba’t ibang bansa sa Africa.