-- Advertisements --

Umakyat na naman sa 18,085 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), 776 ang bagong kaso kaya’t pumalo na sa 4,0007,318 ang kabuuang caseload.

Nananatili ang National Capital Region (NCR) naman ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso nitong nakalipas na dalawang linggo, na may higit 3,000, sinundan naman ng CALABARZON na may 2,000 at mahigit 1,000 sa Western Visayas.

Umakyat rin ang recovery tally sa 3,925,022 habang 64,211 ang nasawi.

Patuloy naman ang panawagan ng health department na magpaturok ng booster shot, para matiyak na may sapat na panlaban sa COVID-19 variants.