-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi diskriminasyon ang requirement sa mga guro at iba pang empleyado ng mga paaralan na sila ay dapat bakunado na kontra COVID-19 para payagang makibahagi sa in-person classes.

Sinabi ng DepEd na ang hakbang na ito ay paraan upang sa gayon ay mabigyan din ng proteksyon ang mga lalahok sa face-to-face classes pati na rin ang kanilang mga estudyante.

Ang polisiyang ito anila ay alinsunod na rin sa protocol ng national government na nagre-require nang vaccination o negative swab test results sa mga empleyado na nagtatrabaho on site.

Binigyan diin pa ng kagawaran na ang mga hindi pa bakunadong guro at mga empleyado ay obligado pa rin namang magtrabaho at makakatanggap pa rin ng sapat na sahod, at hindi sil;a maaring paalisin o sibakin dahil lamang sa hindi pa sila bakunado kontra COVID-19.

Base sa latest data mula sa kagawaran, nabatid na mahigit 93 percent ng mga guro at school staffers na lumahok sa pilot implementation ng in-person classes noong Nobyembre ay bakunado na kontra COVID-19.