-- Advertisements --
covid 19 1

Binigyang diin ng OCTA Reasearch Group ang pangangailangan ng masusing pagbabantay sa sitwasyon ng COVID-19 sa China na nakakaranas ng significant surge sa bagong mga kaso matapos na alisin na ang restriksyon na posibleng mag-trigger ng panibagong wave ng mas nakakahawang sakit sa nasabing bansa.Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang variants na namonitor mula China ay kapareho ng nadetect dito sa bansa gaya ng Omicron subvariants na BQ, XBB at BA5. Bagamat nakakahawa ang nasabing subvariants ay hindi naman ito nagdudulot ng malubhang sakit.Subalit ang ikinababahala aniya ay ang magkaibang sitwasyon sa ground mula sa opisyal na iniuulat ng gobyerno ng China sa kanilang COVID-19 cases.

Saad pa ni Dr. David na inaasahang makakaranas ng tatlo o apat na waves ng COVID-19 ngayong taon subalit hindi ito severe at hindi mapupuno ang mga ospital.

Sa ganitong sitwasyon ayon kay Dr. David ay naabot na ang endemism sa COVID-19 o ang yugto kung saan isang regular occurring illness na lamang ang COVID-19 na napapanatili sa baseline levels na makukumpara na lamang sa ‘flu seasons”.

Posible din aniya na magkaroon ng panibagong wave sa unang bahagi ng Pebrero dahil sa bagong Omicron XBB.1.5 subvariat na kumakalat ngayon sa United States.

Isa din sa factor nito ang humihinang immunity ng ilang mga indibdiwal na dinadapuan ng COVID-19.