-- Advertisements --

Itinanggi ni Pope Leo na pinapasaringan niya si US President Donald Trump sa talumpati nito noong nakaraang mga araw.

Sinabi nito na wala siyang pinapatamaan sa naging pahayag nito na mga “tyrants” ay gumagastos ng ilang bilyon para sa giyera.

Giit nito walang anumang interest ito sa US President at hindi kailanman ito makikipagdebate dito.

Magugunitang binatikos ni Trump ang Santo Papa dahil sa pagkontra nito sa giyera ng US at Israel sa Iran.