-- Advertisements --
Patay ang isang French peacekeeper at tatlong iba pa ang sugatan matapos ang pag-atake sa southern Lebanon.
Ang mga ito ay nagsisilbi bilang United Nations Interim Force in Lebanon (Unifil) ng maganap ang pag-atake kung saan dalawa ang nagtamo ng matinding sugat.
Isinisi ni French President Emmanuel Macron ang pag-atake sa Hezbollah.
Nanawagan ito sa gobyerno ng Lebanon na dapat ay maaresto na ang mga nasa likod ng nasabing pag-atake.
Magugunitang nagkaroon ng 10-araw na ceasefire sa pagitan ng Lebanon at Israel na nagsimula noong Abril 16.















