Kasalukuyang nasa kanyang 14-day self-isolation ang young Filipino-Canadian singer na si Darren Espanto.

Ayon mismo sa “In Love Ako Sa ‘Yo” hitmaker, nakabiyahe na siya patungo sa Canada bago pa man ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na lockdown sa buong Luzon sa gitna ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pero bagama’t mis daw niya ang kanyang pamilya, ay kaunting tiis muna alang-alang sa kalusugan at kaligtasan nilang lahat.

Si Espanto ay isinilang sa Calgary, Canada, at Pinoy ang mga magulang na kapwa registered nurse na tubong Nueva Vizcaya.

Kamakailan lang nang umatras ang 18-year-old singer sa kanyang biyahe sa China para sana sa pagsabak sa isang kompetisyon doon, pero piniling mag-ingat laban sa COVID-19.