-- Advertisements --
Australia store re COVID

ILOILO CITY – Dinala sa Christmas Island ang mga pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Australia.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lyn Capanas Olivarez direkta sa Melbourne, Australia, sinabi nito na ginawang isolation area ang Christmas Island na isang Australian external territory.

Ayon kay Olivarez, nagkakaubusan na rin ng toletries at pagkain dahil sa panic-buying ng mga residente kung saan ang iba ay pinapakyaw na ang mga paninda upang maiwasan ang paglabas ng bahay sa takot na madapuan ng virus.

Sa ngayon ayon kay Olivarez, kaunti na lang ang laman ng karamihan ng store shelves sa Australia.

Patuloy pa rin naman ang pagpapatupad ng gobyerno ng preventive measures upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.