Itinutulak ngayon ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang comprehensive response package para mahimok ang mga pamilya at negosyo sa bansa na sumunod sa public health measures na ipinapatupad at para na rin mapabilis ang recovery ng ekonomiya ng bansa pagkatapos ng public health crisis dulot ng COVID-19.
Iginiit ni Salceda na mabigat ang desisyon ng Pangulo na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila at pawang mga manggagawa, pamilya at mga maliliit na negosyo ang apektado rito.
Nakasaad sa Filipino Families First Act na aabot sa P169.9 billion ang spending plan na ilalaan ng gobyerno, kung saan P85.5 billion dito ay tiyak na mababawi kaysa P84.4 billion na net cost nito.
Ang unang pakcage sa panukalang ito ni Salceda ay ang pagpapautang ng P50 billion sa laat ng kompanya na walang interest sa kondisyon na walang matatanggal na empleyado sa buong panahon ng krisis.
Sa ilalim naman ng second package, P45 billion ang ipapautang sa sektror ng turismo.
Ipinaliwanag ni Salceda na kapag meron pa ring natanggal na mga empleyado, dito na papasok ang safety net number 2 o ang P25 billion para sa Unemployment assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.
Pasok din sa planong ito ni Salceda ang mga manggagawang hindi makakapagtrabaho dahil sa community quarantine na ipinatupad ng pamahalaan sa pamamagitan nang paglagay sa kanila sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Magkakaroon din ng assistance para sa senior citizens kung saan may karagadagang P1,000 sa kanilang 4Ps para sa emergency lalo’t sila ang pinaka-delikadong sektor sa banta ng COVID-19 kaya dapat bigyan alalayan sa kanilang kalusugan.