Pinuri ni National Task Force (NTF) COVID-19 policy chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga hakbang ngf Cebu City at Metro Manila upang kontrolin ang pagkalat ng deadly virus.
Sa public briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinagmalaki ng kalihim ang improvement ng naitatalang kaso sa dalawang lungsod dahil na rin sa pagsunod ng publiko sa mga umiiral na health protocols.
Sa loob ng pitong araw ay walang naitalang kaso ng namamatay dahil sa deadly virus.
Kung maaalala, noong Hulyo nang isailalim sa lockdown ang Cebu City matapos tumaas ang naitatalang kaso ng coronavirus disease kada raw. Nagbunsod ito ng pagka-alarama sa local at national authorities.
Isinisi rin ng pangulo ang nangyari sa mga Cebuano na binabalewala lamang ang mga quarantine protocols ng lungsod.
Ayon pa kay Galvez, nakakita umano sila ng pagbaba sa COVID cases ng Cebu simula noong Setyembre 1 kung saan isinailalim na ito sa modified general community quarantine.
Pinalakpakan din nito ang mga opisyal ng Metro Manila makaraang bumaba rin ang active cases ng deadly virus sa naturang rehiyon. Mula kasi 20,000 noong Setyembre ay bumulusok ito sa 7,830 ngayong Oktubre.
Ipinagmalaki rin ng kalihim ang importansya ng pagpapadala sa quarantine facilities ng mga self-isolating COVID patients. 32,000 aniya ng mga kaso sa Metro Manila ay dinala sa mga hotels at quarantine center
Samantala, maging si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ay ipinagmalaki rin ang mga local govenment untis.
Aniya mismong local chie executives na ang nasa frontline dahil alam nila na kung mataas ang COVID cases sa kanilang mga nasasakupan ay hindi sila iboboto ng tao sa susunod na eleksyon.
Naging agresibo na rin daw ang mmga LGUs sa contact tracing at pag-isolate ng mga COVID positive.