-- Advertisements --

Pumalo na lang sa 0.96 ang COVID-19 reproduction number sa buong Pilipinas, ayon sa OCTA Research group.

Ayon kay Dr. Guido David, mas mababa ito kumpara sa 0.98 na naitala noong Setyembre 26.

Samantala, ang average na bilang ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas ay 17,293 noong Setyembre 22 hanggang 28.

Ang growth rate naman sa bansa ay mas mababa ng 11 percent kumpara sa September 15-21 period.

Noong Lunes, sinabi ng Department of Health (DOH) na bumalik na ang bansa sa moderate-risk classification dahil sa bumababang bilang na ng COVID-19 cases.