-- Advertisements --
Bumaba pa sa 0.87 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) mula sa dating 0.94, ayon sa OCTA Research group.
Base sa kanilang latest report, sinabi ng OCTA na ang 0.87 reproduction number ay maituturing nang “low” dahil ito ay mas mababa na sa 0.9.
Sa kaparehong report, sinabi ng OCTA na ang seven-day average ng mga bagong COVID-19 cases sa NCR ay bumagsak din ng 17% o katumbas na lamang ngayon ng 3,891 cases, habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 18% mula sa 21% sa nakalipas na linggo.
Hanggang ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 30, anim na lugar sa NCR ang nasa moderate risk, na kinabibilangan ng Navotas, Manila, Malabon, Pasay, Valenzuela at Pateros.
Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 ang NCR.