-- Advertisements --

Bahagyang tumaas sa 1.05 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) base sa independent monitoring group.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng indibidwal na nahawaan ng isang kaso. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapakita na ang hawaan ng virus ay mabagal.

Sa kabila nito, tiniyak ni OCTA fellow Guido david sa publiko na hindi ito nangangahukugan na ng mga kaso ay lolobo.

Ayon kay Dr David, ang huling dalawang bese na tumaas ang reprodcution number sa mahigit 1 ay noong simula ng naitalang surge dahil sa mas nakakahawang Omicron at Delta variants.

Pagtaya ni Dr. David na ang best case scenario sa susunod na mga linggo ay status quo habang ang worst case scenario base sa kasalukuyang available na data ay mahina lamang ang surge sa COVID-19 cases.

Nauna ng inihayag ni Dr David na ang bahagyang pagtaas ng COVID19 cases sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar ay dahil sa mas nakakahawang Omicron subvarinats at hindi dahil sa mga aktibidad may kaugnayan sa May 9 elections.